Saturday, March 05, 2005

sadness..

kalungkutan... ang katumbas nito para sa akin ay mga luha.

tulad ng dati, wala na naman akong magawa kung hindi lumuha habang kinukumbinsi ang sarili kong tanggapin nang maluwag ang lahat ng mga bagay na nagaganap sa paligid ko. wala naman talaga ako magagawa eh... kaya nga ako umiiyak. naisin ko mang tumanggi, hindi na pwede. gustuhin ko mang umayaw, ako pa rin ang talo. ang laro nga naman ng buhay... kailangang patuloy na sumugal. patuloy lumaban...

marami man ang magtanong, magpakita ng kagandahang loob na makipag-usap, at magpayo, wala rin silang magagawa. higit sa ano pa, hindi sila ang kailangan ko. patawad.

kailangan ko lang naman ng isang tao na handang manood sa akin habang ako ay lumuluha at nagpapalipas ng sama ng loob. ng isang taong handang makinig sa lahat ng sasabihin ko. hindi magbibigay ng payo o kung ano pa man. makikinig lang at sasamahan ako, mananahimik at magpapakita ng interes kahit alam kong wala naman talagang kinalaman sa kanya ang problema ko. yun lang, yun lang ang kailangan ko ngayon.

mahirap kasing mapagkaisahan ng buong mundo. ung tipong lahat ng nangyayari ay hindi mo naisip na mangyayari. o kaya naman ay patuloy kang umaasa na ganito, ganyan... pero sa huli ay malalaman mong hindi pala pwede. ang hirap no?

sige, tatanggapin ko na. ako nga siguro ang may problema at pagkukulang. mukhang wala namang handang makinig sa akin. sige, iiyak na nga lang siguro ako. hindi naman siguro ako matutuyuan ng tubig sa katawan. pero minsan naiisip ko na sana, sana nga ay maubos nalang ang mga luha. sana matutunan kong malungkot ng hindi umiiyak. kailan kaya yon? sana, sana talaga, maranasan ko ang maging manhid sa kalungkutan. para hindi na ako namomroblema ng ganito. sana...

* pasensya na, mukha na naman akong tanga...