Tuesday, May 17, 2005

hey mom, why did you left me? why didn't you teach me a thing or two? you just let me go out into the world.. you never taught to share what you knew!

sobrang daming ginagawa!! sa school : filipino papers... presentations.. papers ulit.. SA21 report/presentaion, paper na naman.. videos.. chess pa.. arrrghh.. at ang latest, isang book project for my fine arts class.. ang saya!!!

mapaglaro talaga si tadhana! biruin mo, binigyan na ako ng nanay na nang-iiwan, binigyan pa ako ng tatay na walang pakialam sa mga anak niya.. oo, hindi ako galit sa Diyos.. pero, malungkot ako para sa kanila.. wala na ata akong kinabukasan kung sa kanila ako aasa.. kaya mas mabuti na ang ganito, hindi ko na sila iintindihin, at nang hindi na nila ako pakialaman..

totohanan na ito.. namumuhi ako sa mga magulang ko.. walang biro.. kung alam ninyo lang ang lahat, sana ay mas naiintindihan ninyo ako ngayon. masakit para sa akin ang sabihin ito, pero, mukhang wala na silang pakialam sa akin.. ayos lang, walang problema.. matagal ko na namang ianasahan ito.. kailan man ay hindi ako naging mahalaga sa kanila.. ang bitter ko no?! ganun talaga, malala na ako eh.. pasensya..

so mga kaibigan, tatawan ko lang kayo kapag magkasama tayo, pero kung nabasa niyo ito, marahil ay magtataka kayo.. likas akong masayahin.. pero, ipinanganak ata ako na maging miserable.. kaawa-awang nilalang..

hindi bale, kaya ko ito.. kahit ako nalang mag-isa, kakayanin ko.. para saan pa ang paghihirap ko kung mababalewa rin naman ng dahil sa kanila? pwes, hindi na sila ang pag-aalayan ko ng paghihirap ko, iisipin ko nalang, para sa kinabukasan ko ito!!

---> patawad sayo, kaibigang napatadaan sa blog na ito, puno na naman ako ng hinagpis..