ang sakit ng katawan ko... pero mas masakit ang kalooban ko..
arggghh.. drama na naman ito!!!
bulok ang buhay.. haha! nawala ang aking pinakamamahal na wallet nung Huwebes.. sa aking palagay ay naiwanan ko siya sa caf.. awww.. andun pa naman ang mga larawan ng mga taong mahalaga, malapit at sobrang bait sa akin.. sh*t, life sucks! andun pa ung baon ko and all.. f*ck talaga! hay, wala na naman akong nagawa sa tadhana kung hindi tanggapin ito.
drama na naman, nakasasawa at nakadadalok na..
umuwi ako sa bahay ngayong sabado matapos ang magchess mula alas-nueve ng umaga hanggang alas-sais ng hapon.. isang malaking pagkakamali ang pagbanggit sa nawawala kong wallet. nagkaroon ng masigabong balitaktakan at nakaiiritang paninisi.. dumating sa punto na pinahihinto na akong mag-aral!! tama, ganon kababaw ang aking kausap! kung nahihirapan na daw ako, edi tumigil na.. hay.. siguro nga, tama sila.. pero masakit naman ata sa akin un..
ikaw na magkaroon ng watak na pamilya at sirang kinabukasan?!
b*llsh*t! isang pangungusap lang ang huli kong binitiwan bago ako lumayas muli at lumuha ng balde-balde..
"maraming salamat sa suporta nyo, damang-dama ko!"
d*mn it, i hate them..



<< Home