una sa lahat, hApPy BiRtHdAy sau JAZE a.k.a. CheEcKbOneS!!! ^_^
ayun... maraming gawain. pinag-iisipan ko ngang mabuti kung kailan ko pang magreklamo o dapat ko na lamang tipirin ang oras ko para magkasya ang aking panahon upang matapos ang mga nasabing gawain... hmmm... mali, maling-mali..
---> salamat sa isang kaibigan na nagpakita ng pag-aalala at ng pagmamalasakit sa akin.. bigla tuloy ang paglambot ng aking puso. naramdaman ako na mayroon pa pala akong mga mabubuti at natatanging kaibigan.. alam mo na kung sino ka, salamat talaga. pinasaya mo ang araw ko kanina kahit na nagmamadali ako upang matapos ang isang takdang-aralin na kahapon pa dapat naipasa. hay, ako dala ang reyna ng crammers!! wala na akong nagawang maayos at hindi minadali. sabagay, nais kong paniwalaan na mas nagiging maganda ang aking mga gawa kung ako'y minamadali sapagkat nagkakaroon ng magandang epekto ang pressure.. hmmm.. maaaring marami ang hindi sumang-ayon sa aking teorya ngunit sa tingin ko ay lumalabas ang pambihirang kakayahan ng isang tao kapag siya ay nahaharap sa isang mahirap na sitwasyon. hmmm, medyo malayo na ito sa una kong sinulat, kaya titigilan ko na..
so heto ako, nagpapalipas ng oras kahit alam kong marami akong kailangang asikasuhin. nakaiinis talaga ang oras, ang bilis-bilis pero minsan, nakaiinip.. tsk.. malaki na talaga problema ko.. sorry.. haha.. ^_^
ano bang nangyari ngayon? wala.. hindi, meron pala.. hindi ko lamang binigyan ng pansin...
sana'y totoo ang panaginip
nang hindi na ako naiinip
na maghintay sa pag-idlip
baka hindi pa ikaw ang maisip...
- an-an
pasok na naman sa eskwela, wala na akong magagawa run. haharap na naman sa umaga, kahit pilit ko mang tanggihan ang pagdating nito. isa lamang ang pahiwatig, maghapong ligalig..
sablay na naman..



<< Home