Tuesday, June 14, 2005

let's do the funk.. let's do the first day funk!!

first day of classes... first day funk ika nga ng nakararami.. masaya ako na hindi.. hehehe.. tulad ng dati..

kahapon nga pala, punta kaming payatas.. sa blue eagle village.. ang ganda sana kaso ang dami pang problema.. kulang pa sa development.. tutulong ako!! tutulong kami!! ^_^

kasalukuyang nagpapalipas na naman ako ng oras sa harap ng computer ng aking paaralan.. tama.. sa rsf.. hehehe.. libre ang internet, aircon pa!! san ka pa?! hehehe.. labo..

umiral na naman ang aking katamaran... tinamad akong magrent ng computer para malaman ang aking class schedule sa araw na ito.. arrrgggh.. umasa ako ng lubusan sa aking memorya at ang buong akala ko tuloy ay alas diyes y medya pa aking unang klase.. mali.. maling-mali.. hhahahaa... nang makarating ako sa ateneo ay alas diyes pa lamang.. nakita ko ang mga dating blockmates.. (oo, sa wakas ay nakapag-shift na ako sa bagong kurso.. BFA major in Info Design.. bigat no?! ^_^) nagulat pa ako nang tanungin nila ako.. medyo alanganin kasi ako sa totoong klase ko.. hahaahah.. at ayun!!! mali nga ang sapantaha kong takdang oras.. awwww.. alas nuebe pala ang unang klase ko sa araw na ito!!! ang ang buong akala ko kasi ay lunes ngayon.. ngunit hindi!!! martes na.. ahhhh.. whahaha..

sa kalituhan ay dali-dali akong nagtungo sa departamento ng History... iyon kasi ang naaalala kong klase at alas nuebe nga ang tanda kong oras.. mabait ang sekretarya at hiyang-hiya ako nang itanong ko kung nasaan ang aking guro.. si Ms. Coo.. laking taka niya sapagkat wala raw klase si Ms. Coo ng alas nuebe gaya ng iginigiit ko.. wahahaha.. tinignan ko ang listahan.. mali... whahaha.. alas dose pa pala ang klase ko sa kanya.. mainam.. hindi pa ako liban.. pero.. nakakahiya!!! hahaha.. nag-ugat ang lahat sa aking katamaran.. salamat!!.. arrrgg..

to end this post.. i would like to share a picture or drawing na gawa ni peb sama!!
sOuth paRk!! ako yan!! diba?! ako talaga yan!! hahaha...