--> totoo na talaga, may pasok na.. kaasar man.. wala akong magagawa!! haha.. eto na, sinisipag ako ngayon kaya magkukwento na ako ukol sa mga nagdaang araw..
:|june 14|: first day.. sy*t! lost ako.. at badtrip yun diba?! hehe.. sobrang nakakapanibago! punung-puno ang caf... ang daming freshiessss.. at halatang bagong salta sila! iniisip ko tuloy kung ganun ang itsura ko nun freshie ako.. ^__^
Hi16:(tuwing martes at huwebes: 1200-130 ng hapon, sa B206).. oO, sa nakaraang dalawang taon ay hindi pa ako nakakapag-history! haha, kasalanan ko bang maubusan palagi?! ang pangit na nga ng mga random numbers ko (sobrang random talaga!!), lagi pang may conflict.. hmmm.. okey naman si Bb. Coo.. astig ang kanyang mga kwintas at singsing.. hmm..kahit medyo halatang demanding siya.. buti nalang aircon ang classroom at nasa tapat ako ng isa sa mga iyon!! haha!!
FA170.3:(tuwing martes at huwebes din: 130-300 ng hapon, sa CTC319).. tama.. fine arts na talaga ako!! kaya eto, nang tanungin ako ni Mr. Ali Figueroa ng dahilan sa aking pagpasok sa naturang klase, ang tangi kong naisagot ay ganito.. "eh.. sir.. sabi ni Xander kailan daw ng mga ID majors ^____^".. na sa palagay ko ay hindi niya nagustuhan dahil nagtawanan ang aking mga bagong kamag-aral.. haayy.. ganito ba talaga palagi, pinagtatawan nila ang mga sinasabi ko ng seryoso? o talagang may nakakatawa sa sagot kong pilosopo.. hmmm.. patawad..
FA167.1: (tuwing martes lang: 500-800 ng gabi! sa CTC319) ibang guro.. kakaibang klase.. gabi na naman ako uuwi nito.. hay.. >_< sa UP daw talaga nagtuturo ang aming guro na itatago ko nalang sa pangalang Bb. Red Violin (dahil hindi ako tiyak sa kanyang pangalan..) kung kaya't panggabing klase lamang ang kaya niyang turuan sa ateneo.. bahagi raw iyon ng kasunduan.. hmm.. mukha namang mabait siya.. sana nga.. mabait siya..
:|june 15|: miyerkules na.. ang bilis.. lalong lumalala ang tumutubong inis ko sa ilang freshies.. hindi ko naman sila sinisisi sapagkat dumaan naman ako sa puntong iyon.. ang akin lamang, sana ay bawas-bawasan nila ang labis na pag-iingay sa cafeteria.. nakadadagdag kasi sa init ng paligid.. diba?! hay.. ang init talaga.. idagdag mo pa ang isang live journal entry ng isang freshie na itago na lang natin ssa pangalang Bb.**** (dahil hindi ko alam ang pangalan niya at kahit batid nyong meron na akong balita kung sino talaga siya, hindi ko pa rin babanggitin ang pangalan niya rito sapagkat ayaw ko!!).. inilabas niya ang galit niya sa ateneo.. at masakit iyon para sa mga atenistang katulad ko dahil.. mahal namin ang ateneo.. promise!! walang stir! haaayy.. well, hahayaan ko na siya dahil wala naman akong balak kilalanin siya, kahit napakadali para sa aking gawin iyon (nagvolunteer kasi ako sa ORSEM at medyo may kalakihan ang sirkulo ng aking mga kaibigan at koneksiyon.. ^___^) sana'y unti-unti siyang maliwanagan.. sana lang ay ako ang maitalaga sa INTACT class niya at nang matulungan ko siyang ibigin ang Ateneo! ^_^
FA101: (tuwing lunes, miyerkules at biyernes: 1030-1130 ng tanghali, sa G312A) nakakapanibago.. maliwanag ang buong silid na dati-rati ay puno ng dilim.. hmm.. walang ipinagbago si Fr. Javellana at siya muli ang aming guro.. aesthetics.. kelangan kong matuto.. marami kaming ID majors dun kaya masaya.. marami ring ibang bata.. siyempre, makikilala ko rin silang lahat pero hindi muna sa ngayon.. ako'y abala sa pag-intindi ng mga pangangailan.. oo, aklat, readings.. etcetera.. hmm..
FA165.1: (tuwing lunes, miyerkules at biyernes: 130-230 ng hapon, sa G312A) ahhh.. si Fr. Javellana ulit ang aming guro.. mukhang pagsasawaan ko siya ngayong semestreng ito.. ngunit sa tingin ko naman ay magiging maganda ang asignaturang ito sapagkat nangako siya na gagamitin namin ang aming mga napag-aralan.. sa madaling salita, may application at hindi lang puro lecture!! ayos!! ^___^ buti nalang at may aircon sa silid na ito.. malilimutan kong siesta time at mapipilitan akong makinig at sumunod kay father.. ^_____^
Ph101: (tuwing lunes, miyerkules at biyernes: 230-330 ng hapon, sa SECA209A) medyo surprised ako dahil classmate ko sila neal, paeng, oweng, male, mayan, at gerard sa philo.. okey na okey si G. Lagliva..^__^ masaya siyang guro sa pilisopiya.. filipino pa ang gamit niya kaya ayos na ayos!! hahaha.. napag-alaman ko na mabait siya at mahusay na rin.. isa siyang Ferriols baby.. ang ibig sabihin ay si Padre Ferriols ang naging guro niya sa Ateneo sa lahat ng kanilang klase noon sa pilosopiya.. astig.. at, sinabi niya sa amin ang ibig sabihin ng isang linyang sinabi ni Padre Ferriols noon (hindi ko lang tiyak kung hanggang ngayon..)
LUNDAGIN MO BEYBE!! heehee.. ^___^ astig.. kukunin ko sana si Padre Ferriols pero maaga ang klase niya.. 730! grabe!
--> so, ayun na ang mga nangyari nung mga unang araw sa klase.. medyo ayos naman.. masarap namang mag-aral eh.. diba?! nyahaha!!
--> text message ulit.. ^_^ mula naman sa isang kaibigan na kasalukuyang nag-aaral sa UP Pampanga.. si Hazel ^_^ bespren.. hehe.. salamat sa pag-alaala.. ^_^
sAy a pRayEr aNd hOLd oN.
dOn't bE sUrpRiseD iF sOmeOne wALks aCrOsS
tHe watEr tO giVe yOu a HanD.. thAt'S ME!!
nAka-jEtSki.. yOu kNoW, sOsyaL! ^_^
--> oo nga naman.. hahaha.. ^_^ pasakay ha!



<< Home