raindy days are here again.. the sun isn't shining.. sh*t.. ako pa naman ung tipo ng tao na hindi marunong magdala ng payong.. aww.. sorry.. whine na naman..
oh well, i should count my blessings instead.. diba?!
good things:
--> lilipat na ako sa quezon city!! yey! *clapping, jumping and egg-rolling at the same time.. uh.. go figure kung paano!! ^_^*.. oo, totoong-totoo na ito.. malapit na ako sa ateneo.. hindi na ako mamamasahe! yey talaga!! the heavens heard my prayers! take note, ateneo ang magbabayad ng upa ko!! o diba?! blessing talaga!! ^___^ thanks to ma'am jolly ^_^, fr. que at sa buong OAA.. hehehe..
--> tanggap akong INTACT Faci at malapit na iyong magsimula.. sabi nga ng friend ko na core ng intact na itago na lang natin sa pangalan cheeckbones, masaya ang maging facilitator.. sayang nga lang mukhang imposibleng maturuan ko ang block na hawak ko nung ORSEM dahil may class ako nang intact time nila.. haaayy.. i'm very excited about it.. c",)
--> may libro na ako ni neil gaiman!! *so what diba?!*.. actually, salamat kay Xander (the Gander) na napahiram sa akin, dahil may chance na akong makasali sa Art Contest ni Neil Gaiman.. ayun yon! gusto ko lang sumali dahil.. wala.. para lang subukan ang aking kakayahan.. *achus.. as if naman mananalo ako..* pero gusto ko pa rin!! well, dahil na rin siguro sa kawalan ko ng interes sa ibang bagay kaya kailangan ko ng pang-motivate kumilos.. haaay..
--> meron na akong kopya ng mga pelikulang cube at hypercube (cube 2)!! syempre, salamat sa matalik kong kaibigang si Christopher!! ^___^
kung may good things, meron ding:
not-so-good things:
--> lilipat nga ako ng quezon city, mainam.. pero mami-miss ko ang mga barkada ko sa malabon.. hmmm.. labo noh?! napakasentimental ko talaga..
--> may libro na nga ako, Coraline pero hindi ko naman alam ang gagawin ko.. hmm.. less than two weeks nalang.. haha.. sa kasamaang palad, ginawa siyang assignment/project ng teacher kong si sir Ali.. kaya pwersado na aking sumali.. >_<
--> malapit na ang araw ng panganganak ng asawa ng kapatid ko.. (hmm.. ngayon ko lang sila nabanggit dito ang ito na ang huli) malamang ay kailanganin nila ng pera dahil balita ko ay ceasarian.. aww.. goodluck sa kanila.. not-so-good ito dahil sa katotohanang hindi nila kaya ang mga gastusin..
--> ngayon ko lang din ito babanggitin, nalulungkot ako sapagkat hindi ko na masyadong nakikita ang crush ko.. ohhh, kinaya mo yun, may crush ako!! hahaha.. secret nga lang kung sino.. >__<
oh well, ok na ito, masyado nang mahaba!



<< Home