whoa! second sem na! parang ang bilis ng lahat.. hmmm.. dapat pala ay hindi na ako nagtataka.. hahaha.. ayun, daming nangyari for the past weeks na hindi ako nag-a-update.. teka..
kahapon o_O hmmm.. ah, nagpunta kaming divisoria. yup, parang shopping galore para sa mga reregaluhang minamahal sa buhay ngayong nalalapit na kapaskuhan. pero dahil wala akong gaanong pera, wala naman akong masyadong nabili. actually, nagpasama lang talaga sa akin sina ate abbie at si ate mica.. hmmm.. sila ang todong namili. ^_^ nakakatuwa nga dahil sa totoo lang ay first time nila sa divisoria lalo na sa 168.. hahaha.. nakakatuwa talaga dahil parang wala silang clue sa pagtawad (huggle!!) sa mga paninda at kung saan pupunta.. at least, masaya sila.. hahaha.. masaya rin naman ako.. may nabili akong sapatos sa halagang 220 pesos lang!! ahahah.. O_o hindi naman sa nagtitipid ako talaga, pero trip ko ang mga makukulay na sapatos kung kaya't isang dilaw na rubbershoes ang binili ko.. whahaha, kung hindi nyo alam, isa akong addict na collector ng rubbershoes.. so kung pipilitin kong mangulekta ng mamahalin, baka naman mamulubi na ako.. ^___^
ayun, kamakalawa naman O_o hmmm.. ayun, bumiyahe ako ng mga bandang alas dose patungo sa office sa caloocan.. tapos mag pick-up ng shirts ay nagtuloy ako sa concepcion upang tumulong sa pag-set-up ng aming tiangge booth.. oO, may tiangge booth kami, number 36 pa nga, sa may concepcion, malabon.. hmmm, sobrang excited ako!! ang daming naming paninda! ^___^ career na talaga ito!! whahha.. tapos, bumlik akong quezon city.. may class kasi ako ng 3pm.. pero dahil naaliw ako sa pagtulong, nagcut na naman ako.. (sorry sir ali ^_^) tapos, acp ko ng 430pm kaya't dali-dali akong bumalik.. ngunit dahil sa ulan at traffic sa malabon (o sa maraming lugar pa) kapag umuulan, hindi na rin ako umabot.. hmmm.. sayang.. haaaay.. pagal ang aking katawan ng marating ko ang mac lab.. hay, ang hirap talagang maghanap-buhay. kinagabihan, nag-overnight kami sa mac lab.. O_o ang saya nga eh, ang dami namin.. hahaha, ginawa namin ung aming ateneo project.. sa kasamaang palad kasi, nabura ang lahat ng nasimulan ng naunang class na siyang itutuloy nalang namin dapat. at dahil nabura ng kung sino ito, kailangan naming ulitin ang lahat.. oO, ang lahat!! wah! kaya't nagsimula na kami.. natapos ko naman ng maaga ang aking trabaho kung kaya't nakapanood ako ng dvd.. hehehe.. nakahiram kasi ako sa aking sissy ng full episode dvds ng 'lovers in paris'!! hahaha, ang haba sobra at sa kabutihang palad at natapos ko na ang pang-apat na dvd nung gabing yun (hahaha, hanggang 530 na ng umaga un!!).
hmmm.. O_o nung mga nakaraang araw naman ay maayos at medyo nakakapagod. hindi ko na matandaan ang mga pangyayari.. onti nalang tulad nito!..
* nakapagsimula na kami ng kompanya!! hahaha.. business ventures ito! ^__^ kasama ko sila ana ching, joei seng at kate cardenio! ^__^ ang saya! hehehe.. O_o sana naman ay maging successful ito.. hahaha..
* marami na kaming nagawang projects!! ^_^ gaidy's, meatshop, super pinoy, gawad kalinga, at marami pa!! whahaha ^_^ ang saya talaga..
* nakaalpas na ako sa madugong registration! oo, at nakuha ko ang aking gustong subjects! ayos! mdeyo madugo nga lang ang sked ko.. 1030-730 kapag monday, 1030-330 kapag wednesday and friday, at 300-430 kapag tuesday and thurday.. hahaha.. o diba?! O_o
* hmmm.. may nasabihan na ako ng crush ko!! O_o.. hahha.. pero isa lang.. hahaha.. ang kulit eh ^__^ nyahahaa..
---> nakakapagod ang mabuhay.. pero masarap din minsan.. ^_^



<< Home