Thursday, August 14, 2008

para kay odessa

ito'y salin sa wikang Filipino ng ikalawang talata ng mahabang sulat tula ni miss odette
na talaga namang nakapukaw sa aking atensiyon.. para sa iyo ito aking kaibigan..

---
Nilagay ko ang aking kamay sa'yong braso
Hinehele ko ito...
Matapos ay ipinahinga ang aking ulo sa iyong balikat,
Halos di ko marinig ang iyong paghinga
Na saliw ang ritmo ng tibok ng iyong puso.
Lahat ng itong maganda ang tunog -
Mumunting senyales ng iyong buhay na nagiging musika sa aking pandinig
Dinadala ako sa isang panaginip na naging malagim na bangungot
Naalala kong muli na kung saan,
Matagal na panahon ang lumipas,
Binigyang buhay mo ako,
Hinaplos ang akong kaluluwa,
Matapos ay winasak ang aking puso.

Isang maskara ng kamatayan, isang guni-guni ng buhay...
---

nawa'y matagpuan mo ang mga bagay na magbibigay saya kahit sa kabila ng lahat ay lumbay o paghihirap ang iyong nakikita.. kailangan mong sumaya, dahil dalawa na kayong nangangailang ng kaligayahan ng mundo.. patawad at malayo ako para matulungan ka.. pero kaibigan mo ako, andito man ako, suportahan ta ka..