ang post na ito ay para sa aking pinakamamahal na tita..
si tita dhories (or tita EET) ay bunsong kapatid ng aking ama.. may sakit siya.. kidney failure.. weekly ang schedule ng dialysis niya.. siya at ang kanyang pamilya ang kumupkop sa akin nang naisipan kong umalis sa aming bahay sa Flores, Malabon.. itinuring niya akong isang tunay na anak..
ang problema ko, lately ay nagiging matamlay siya.. mas matamlay.. ako'y labis na nag-aalala.. kagabi kasi ay may nagtext sa akin (pinsan ko..) at sinabing sinugod siya sa hospital.. bumula raw ang kanyang bibig at sumuka ng may kasamang dugo.. labis akong nag-alala.. hayy.. LORD, please.. tulungan mo po siyang makayanan ang lahat ng pagsubok na ibinigay nyo sa kanya..
sa ngayon ay nagpapahinga sa bahay.. hindi naman ako makauwi ng malabon dahil may klase ako.. kaya isa lang ito sa magagawa ko for her.. ang humingi sa sino mang makakabasa nito na ipagdasal siya.. nawa'y gumaling siya..
hay.. nakakainis.. minsan ay nakakapikon ang sobrang daming problema.. pero wala tayo sa posisyon para magreklamo.. patawad po, napakitid ng pang-unawa ko..
tita, mahal ka namin! magpagaling ka.. kung kaya ko lang ibigay ang lahat, gagawin ko.. ang problema, hindi lang ako nag-iisip para sa sarili.. kundi, para sa pamilya ko na alam kong umaasa sa akin kahit papaano.. alam batid mo ang nais kong sabihin..
...