marami nang nangyari sa mga nakararaang araw.. sa katunayan, lubos akong nagalak sa kalabisan ng mga pangyayari.. sige, ipapaliwanag ko..
april 29 - isang puyat na biyernes: maswerte ako at ang aking kamag-aral na si jeraldine ay taga-maysilo kung kaya't nakisabay akong pumasok kahapon. marami akong dala sapagkat kami ay magtutungo sa tagaygay bukas para sa chess team building.. so ngayong biyernes, sa chess room ako matutulog dahil napakaaga ng alis namin bukas. kasama ko sila coach ilde, ms. joan, ms. jane, at ilang mga highschool players na hindi ko pa gaanong kilala.. pero tulad ng aking inaasahan, hindi ako nakatulog kung kaya't pinanood ko na lamang silang mag'tandem'chess.. kung ano man un, sila lang ang nakababatid.. ^_^
april 30 - isang tamad na sabado: tulad ng dati, na late na naman si omar.. hahaha!! kaya tuloy mag-aalasingko y medya na kami umalis patungong Royale Tagaytay, Alfonso Cavite.. tulad nung mga nakalipas na dalawang taon, walang pinagbago ang lugar. medyo nakakapagod lamang ang biyahe ngunit sa kabuuan ang maayos naman ito. pagdating doon ay agad kong hinarap ang kusina para magluto ng agahan.. marami ang nakasama ngayong taon. may walong highschool boys, limang college men's team at anim sa women's team.. naroon din ang tatlong coach.. mukhang seryoso ang taong ito.. maraming bago.. maraming inaasahan ang lahat. sa kasamaang palad ay napag-alaman kong ito na ang huling taon na makapaglalaro ang mga nagma-masters.. so malamang sa susunod na taon, kami-kami nalang ang magtataguyod ng team. hindi naging maganda ang nakaraang taon.. sayang..
may 1 - isang panibagong linggo: sa wakas ay nagkaroon na ako ng pagkakataon na makilala ang aking mga kakampi.. sa highschool, nandoon sila john (el capitan), rex (na marunong magluto), keith (na may adhd ata..), luis (na mukhang inosente), andrew (mahinhin pa sa akin), job (mukhang may kaunting adhd din..), jay (ang budha ni cowch), at eric (santos..).. sa college men's team naman; omar (geez.. captain na siya!), ronald (ang captain ng highschool sa kalokohan), carl (hmm.. jowenn take 2!), michael (na may matang para sa mga babae..), alejn (third take 2!), at si jon-jon (pierre take 2!).. haha.. sa women's naman; chiara (el capitana), ms. jane (tahimik na may secret powers..), jeneline (not sure sa spelling..), shiela (na nerd nung bata..), dj (deji..), at ako... daming nangyari.. daming napag-usapan at napagkasunduan.. masaya ako sa mga kinalabasan.. hehe..
at nagpunta nga pala si nanay dala ang aking bagong sapatos!! ang ganda.. blue! namitas kami ng pinya at nanghingi ng mga mangga.. ang saya! marunong na akong pumunta sa silang, cavite ng mag-isa.. o kahit sa tagaytay pa! ^_^
may 2 - isang nakaaantok na lunes: pauwi na kami.. walang pasok sa mga paaralan dahil sa extended holiday ng may 1.. kaya walang magawa. nakipagkwentuhan ako kat kuya carl at nakatutuwang isipin na mabait pala siya.. hehe.. takot ako sa kanya nung una dahil seryoso sya masyado.. hmm.. galing siya ng UP eh, hindi ko siya masisisi.. ^_^ napag-usapan namin ang kanyang relihiyon.. ayos lang.. ayoko ko munang magbigay ng opinion sa ngayon dahil ako'y lubos na naguguluhan.. nung huli ay si alejn naman ang naka huntahan ko.. naging makabuluhan din naman.. hehehe.. salamat nga pala sa pagdadala ng gamit ko.. *_*
may 3 - isang nagmamadaling martes: may pasok na.. wala pa akong gawang design.. nagmamadali na naman ako.. tulad ng dati.. haaayy.. kelan ba ako matututong gumawa ng mas maaga.. arrrgh..
at ngayon, may 4 na.. wala na namang kakaiba.. sa ilang sandali ay may klase na ako sa ctc 318.. dapat siguro tigilan ko na ito.. baka mahuli pa ako.. sige na.. paalam..
haaay, inaantok na naman ako..