Friday, June 24, 2005

i believe in dreams.. i believe in miracles.. i believe that toy balloons.. can reach and touch the moon.. coz' i believe in dreams..

--> sorry for the Side A songs.. i simply love them... ^___^

Your past life diagnosis:
--------------------------------------------------------------------------------
I don't know how you feel about it, but you were male in your last earthly incarnation.
You were born somewhere in the territory of modern South of Latin America around the year 1300.
Your profession was that of a warrior, hunter, fisherman or executor of sacrifices.
--------------------------------------------------------------------------------
Your brief psychological profile in your past life:
You always liked to travel and to investigate. You could have been a detective or a spy.
--------------------------------------------------------------------------------
The lesson that your last past life brought to your present incarnation:
You should develop your talent for love, happiness and enthusiasm and you should distribute these feelings to all people.
--------------------------------------------------------------------------------
Do you remember now?

--> hmm.. siguro.. tama.. or.. mali.. ewan.. sana.. hehe..

-> idril

Tuesday, June 21, 2005

will i ever get to heaven with you? will i ever breath the air that you do? will i ever touch the angels? will we fly?! will i ever..

raindy days are here again.. the sun isn't shining.. sh*t.. ako pa naman ung tipo ng tao na hindi marunong magdala ng payong.. aww.. sorry.. whine na naman..

oh well, i should count my blessings instead.. diba?!

good things:
--> lilipat na ako sa quezon city!! yey! *clapping, jumping and egg-rolling at the same time.. uh.. go figure kung paano!! ^_^*.. oo, totoong-totoo na ito.. malapit na ako sa ateneo.. hindi na ako mamamasahe! yey talaga!! the heavens heard my prayers! take note, ateneo ang magbabayad ng upa ko!! o diba?! blessing talaga!! ^___^ thanks to ma'am jolly ^_^, fr. que at sa buong OAA.. hehehe..

--> tanggap akong INTACT Faci at malapit na iyong magsimula.. sabi nga ng friend ko na core ng intact na itago na lang natin sa pangalan cheeckbones, masaya ang maging facilitator.. sayang nga lang mukhang imposibleng maturuan ko ang block na hawak ko nung ORSEM dahil may class ako nang intact time nila.. haaayy.. i'm very excited about it.. c",)

--> may libro na ako ni neil gaiman!! *so what diba?!*.. actually, salamat kay Xander (the Gander) na napahiram sa akin, dahil may chance na akong makasali sa Art Contest ni Neil Gaiman.. ayun yon! gusto ko lang sumali dahil.. wala.. para lang subukan ang aking kakayahan.. *achus.. as if naman mananalo ako..* pero gusto ko pa rin!! well, dahil na rin siguro sa kawalan ko ng interes sa ibang bagay kaya kailangan ko ng pang-motivate kumilos.. haaay..

--> meron na akong kopya ng mga pelikulang cube at hypercube (cube 2)!! syempre, salamat sa matalik kong kaibigang si Christopher!! ^___^

kung may good things, meron ding:
not-so-good things:

--> lilipat nga ako ng quezon city, mainam.. pero mami-miss ko ang mga barkada ko sa malabon.. hmmm.. labo noh?! napakasentimental ko talaga..

--> may libro na nga ako, Coraline pero hindi ko naman alam ang gagawin ko.. hmm.. less than two weeks nalang.. haha.. sa kasamaang palad, ginawa siyang assignment/project ng teacher kong si sir Ali.. kaya pwersado na aking sumali.. >_<

--> malapit na ang araw ng panganganak ng asawa ng kapatid ko.. (hmm.. ngayon ko lang sila nabanggit dito ang ito na ang huli) malamang ay kailanganin nila ng pera dahil balita ko ay ceasarian.. aww.. goodluck sa kanila.. not-so-good ito dahil sa katotohanang hindi nila kaya ang mga gastusin..

--> ngayon ko lang din ito babanggitin, nalulungkot ako sapagkat hindi ko na masyadong nakikita ang crush ko.. ohhh, kinaya mo yun, may crush ako!! hahaha.. secret nga lang kung sino.. >__<

oh well, ok na ito, masyado nang mahaba!

Monday, June 20, 2005

forget i'm a lady, color my hair.. do what i dare... oh oh oh.. man, i feel like a woman..

What I think of guys . . .
1. lalaking umiiyak?
hmmm.. kung may valid reasons siya, ayus lang.. pero kung petty things lang eh iniiyakan niya, noooo way.. ^___^
2. lalaking seloso?
depende sa tindi ng pagkaseloso niya.. kung boyfriend ko siya at exxag na siya, ayaw ko nun.. hehehe..
3. lalaking mahilig sa Sex Bomb girls?
uhhmm.. medyo sablay sa akin un.. wala lang, weird lang..
4. lalaking hindi marunong magluto?
ok lang, pero mas ok kung marunong siya.. para astig.. hehe..
5. lalaking pala-tanong?
ok kung may sense ung mga tanong niya..
6. lalaking mama's boy?
naku, wag lang OA to the max.. kakatakot..
7. lalaking puro pangako?
hindi ko siya gusto.. promise!
8. lalaking mayabang?
kung nasa lugar ang pagyayabang at nakatutuwa, siguro... pero kung hangin lang.. geez, i need a jacket!!
9. lalaking sinungaling?
hello... hate him.. we all do!!
10. lalaking mahilig magsalita?
kung may sense ung mga sinasabi niya.. hmmm.. katakot naman kung puro rantings at whining lang diba?!
11. lalaking makulit?
depende, kung iritable na ang pangungulit niya, babay.. kung nakatutuwang kakulitan, pede pa siguro.. ^___^
12. lalaking gwapo?
kakatuwa siya sigurong tignan.. un lang..
13. lalaking panget?
nothing wrong.. anyway, sino pa nagsasabing pangit isang tao? hmmm..
14. lalaking palabiro?
ok na ok sa akin yan as long as hindi siya pikon!! haha.. ako pa naman ung mahilig makipagbiruan at ayaw na ayaw sa pikon!!
15. lalaking bastos?
ayaw.. baka mabanatan ko pa siya!! ^___^
16. lalaking masyadong marespeto?
hahaha.. ok kung nasa righteous level.. gets? baka kasi maging santo na tingin niya sa mga babae kapag tumagal..
17. lalaking mahilig mang-asar?
sabi ko nga, mahilig din ako mang-asar kaya ok lang kahit mag-asaran kami 24/7.. wag na wag lang siyang mapipikon!! whahaha!! ^___^
18. lalaking sobrang sweet na may pagka-jologs?
depende.. kung minsan kasi, may cute at sweet na actions para sa akin pero jologs sa iba.. wag lang sigurong sosobra..
19. lalaking sensitive?
sensitive na ako eh.. so kung sensitive pa siya, mag-iiyakan nalang kami.. yoko nun!
20.lalaking matagal magbihis?
hmm.. kaduda-duda yan eh.. hehehe.. ok lang kung hindi exxag sa tagal!
22. lalaking pervert?
kill them.. please..
23. lalaking panget tumawa?
pano yun?! wala naman sigurong pangit tumawa.. hahah.. unless they're faking it. that s*cks..
24. lalaking maganda ngumiti?
ok.. maganda ulit tignan.. ayos lang..
25. lalaking walang kwentang kausap pero pogi?
aww.. that s*cks!! mas gugustuhin ko nalang tignan siya sa picture.. ^___^
26.lalaking hindi marunong kumanta?
hahaha.. kakatuwa siya kapag nagta-try.. ok lang sa akin un!!
27. lalaking marunong maggitara?
ok na ok.. hahaha.. mas magaling mas maganda..
28. lalaking magaling sumayaw?
ayos.. the moves..
29. lalaking sweet?
ok lang nga kung cute pa.. wag oa ha..
30. lalaking romantic?
astig!
31. lalaking thoughtful?
dapat makilala.. asan na yan?
32. lalaking mahilig mang-surprise?
kung ok sa olrayt mga surprisess niya, pwede! hehehe.. i love surprises..
33. lalaking matalino?
ayos lang.. wag lang super duper nerd.. katakot eh..
34. lalaking naka-braces?
ok lang.. no problem..
35. lalaking matangkad?
okey lang.. pero hmmm.. kung kalahati niya lang ako.. mukhang mahirap yun.. hehehe..
36. lalaking matakaw?
uhmm.. parang ok lang basta hindi sobra at hindi siya matabang-mataba.. ehehe..
37. lalaking kalbo?
ok lang.. actually, gusto ko nga malinis mukha at ulo..
38. lalaking marunong mag-drive?
ok lang.. ayos..
39. lalaking mabango?
ok na ok.. hehehe..
40. Ano ang weakness mo sa isang lalaki.
madali akong maniwala at magtiwala kung nakakita ako ng kabutihan sa kanya..

---> sorry, wala kasi akong magawang iba ngayon at masyado akong inis para magkwento.. sowee..

Thursday, June 16, 2005

mga unang araw ng pasukan.. funk me!!

--> totoo na talaga, may pasok na.. kaasar man.. wala akong magagawa!! haha.. eto na, sinisipag ako ngayon kaya magkukwento na ako ukol sa mga nagdaang araw..

:|june 14|: first day.. sy*t! lost ako.. at badtrip yun diba?! hehe.. sobrang nakakapanibago! punung-puno ang caf... ang daming freshiessss.. at halatang bagong salta sila! iniisip ko tuloy kung ganun ang itsura ko nun freshie ako.. ^__^

Hi16:(tuwing martes at huwebes: 1200-130 ng hapon, sa B206).. oO, sa nakaraang dalawang taon ay hindi pa ako nakakapag-history! haha, kasalanan ko bang maubusan palagi?! ang pangit na nga ng mga random numbers ko (sobrang random talaga!!), lagi pang may conflict.. hmmm.. okey naman si Bb. Coo.. astig ang kanyang mga kwintas at singsing.. hmm..kahit medyo halatang demanding siya.. buti nalang aircon ang classroom at nasa tapat ako ng isa sa mga iyon!! haha!!

FA170.3:(tuwing martes at huwebes din: 130-300 ng hapon, sa CTC319).. tama.. fine arts na talaga ako!! kaya eto, nang tanungin ako ni Mr. Ali Figueroa ng dahilan sa aking pagpasok sa naturang klase, ang tangi kong naisagot ay ganito.. "eh.. sir.. sabi ni Xander kailan daw ng mga ID majors ^____^".. na sa palagay ko ay hindi niya nagustuhan dahil nagtawanan ang aking mga bagong kamag-aral.. haayy.. ganito ba talaga palagi, pinagtatawan nila ang mga sinasabi ko ng seryoso? o talagang may nakakatawa sa sagot kong pilosopo.. hmmm.. patawad..

FA167.1: (tuwing martes lang: 500-800 ng gabi! sa CTC319) ibang guro.. kakaibang klase.. gabi na naman ako uuwi nito.. hay.. >_< sa UP daw talaga nagtuturo ang aming guro na itatago ko nalang sa pangalang Bb. Red Violin (dahil hindi ako tiyak sa kanyang pangalan..) kung kaya't panggabing klase lamang ang kaya niyang turuan sa ateneo.. bahagi raw iyon ng kasunduan.. hmm.. mukha namang mabait siya.. sana nga.. mabait siya..

:|june 15|: miyerkules na.. ang bilis.. lalong lumalala ang tumutubong inis ko sa ilang freshies.. hindi ko naman sila sinisisi sapagkat dumaan naman ako sa puntong iyon.. ang akin lamang, sana ay bawas-bawasan nila ang labis na pag-iingay sa cafeteria.. nakadadagdag kasi sa init ng paligid.. diba?! hay.. ang init talaga.. idagdag mo pa ang isang live journal entry ng isang freshie na itago na lang natin ssa pangalang Bb.**** (dahil hindi ko alam ang pangalan niya at kahit batid nyong meron na akong balita kung sino talaga siya, hindi ko pa rin babanggitin ang pangalan niya rito sapagkat ayaw ko!!).. inilabas niya ang galit niya sa ateneo.. at masakit iyon para sa mga atenistang katulad ko dahil.. mahal namin ang ateneo.. promise!! walang stir! haaayy.. well, hahayaan ko na siya dahil wala naman akong balak kilalanin siya, kahit napakadali para sa aking gawin iyon (nagvolunteer kasi ako sa ORSEM at medyo may kalakihan ang sirkulo ng aking mga kaibigan at koneksiyon.. ^___^) sana'y unti-unti siyang maliwanagan.. sana lang ay ako ang maitalaga sa INTACT class niya at nang matulungan ko siyang ibigin ang Ateneo! ^_^

FA101: (tuwing lunes, miyerkules at biyernes: 1030-1130 ng tanghali, sa G312A) nakakapanibago.. maliwanag ang buong silid na dati-rati ay puno ng dilim.. hmm.. walang ipinagbago si Fr. Javellana at siya muli ang aming guro.. aesthetics.. kelangan kong matuto.. marami kaming ID majors dun kaya masaya.. marami ring ibang bata.. siyempre, makikilala ko rin silang lahat pero hindi muna sa ngayon.. ako'y abala sa pag-intindi ng mga pangangailan.. oo, aklat, readings.. etcetera.. hmm..

FA165.1: (tuwing lunes, miyerkules at biyernes: 130-230 ng hapon, sa G312A) ahhh.. si Fr. Javellana ulit ang aming guro.. mukhang pagsasawaan ko siya ngayong semestreng ito.. ngunit sa tingin ko naman ay magiging maganda ang asignaturang ito sapagkat nangako siya na gagamitin namin ang aming mga napag-aralan.. sa madaling salita, may application at hindi lang puro lecture!! ayos!! ^___^ buti nalang at may aircon sa silid na ito.. malilimutan kong siesta time at mapipilitan akong makinig at sumunod kay father.. ^_____^

Ph101: (tuwing lunes, miyerkules at biyernes: 230-330 ng hapon, sa SECA209A) medyo surprised ako dahil classmate ko sila neal, paeng, oweng, male, mayan, at gerard sa philo.. okey na okey si G. Lagliva..^__^ masaya siyang guro sa pilisopiya.. filipino pa ang gamit niya kaya ayos na ayos!! hahaha.. napag-alaman ko na mabait siya at mahusay na rin.. isa siyang Ferriols baby.. ang ibig sabihin ay si Padre Ferriols ang naging guro niya sa Ateneo sa lahat ng kanilang klase noon sa pilosopiya.. astig.. at, sinabi niya sa amin ang ibig sabihin ng isang linyang sinabi ni Padre Ferriols noon (hindi ko lang tiyak kung hanggang ngayon..)
LUNDAGIN MO BEYBE!! heehee.. ^___^ astig.. kukunin ko sana si Padre Ferriols pero maaga ang klase niya.. 730! grabe!

--> so, ayun na ang mga nangyari nung mga unang araw sa klase.. medyo ayos naman.. masarap namang mag-aral eh.. diba?! nyahaha!!

--> text message ulit.. ^_^ mula naman sa isang kaibigan na kasalukuyang nag-aaral sa UP Pampanga.. si Hazel ^_^ bespren.. hehe.. salamat sa pag-alaala.. ^_^

wHen LiFe gEtS stOrmy, rEmeMbeR tO anCh0r deEp..
sAy a pRayEr aNd hOLd oN.
dOn't bE sUrpRiseD iF sOmeOne wALks aCrOsS
tHe watEr tO giVe yOu a HanD.. thAt'S ME!!
nAka-jEtSki.. yOu kNoW, sOsyaL! ^_^


--> oo nga naman.. hahaha.. ^_^ pasakay ha!

Wednesday, June 15, 2005

tindahan ni aling nena.. parang isang kwentong pampelikula.. mura na at sari-sari pa ang itinitinda.. pero ang tanging nais ko ay di nabibili ng pera!

marami nang mga bagay ang naganap sa loob lamang ng maikling panahon.. sobrang ikling panahon.. halimbawa:

*naging ORSEM (Hau'oli) Logistics ako.. hahaha.. MooOOoob!!!!

*napanood ko ang madagascar at nakapunta na ako sa wildlife kasama ang mga mabubuti kong kaibigan.. sila marty, melman at alex! ^____^ (ako syempre si gloria..)

*nakapunta na ako sa Blue Eagle Village sa Payatas 13 upang tignan kung ano ang aking maitutulong sa pagsasaayos nito... hmmm.. mukhang hindi ganoong kadali ang lahat..

*nakita ko ang ex-boyfriend ko na hindi.. hindi ko alam..

*napanood ko na ang Sin City (medyo magulo.. hahaha.. pirata kasi ung kopya ko.. sorry..), Mr. & Mrs. Smith (maganda! ayos..), The Red Violin (ulit..), at Hypercube (adik na talaga ako sa mga cubes.. na-enjoy ko ito!!).. target ko naman ang Batman Begins..

*nabasa ko na ang humugit kumulang 1986 na emails sa akin sa nakaraang dalawang linggo.. grabe... ang dami..

*natapos ko na ang mga librong binabasa ko.. whahahahaha... sa wakas..

*nakapagshift na ako sa BFA major in Information Design!! yey!

*natanggap na rin akong INTACT faci!!! eheyeyeye.. nyehehehe..

*nakapag-update na rin ako ng blog.. sa wakas.. makalipas ang mahabang panahon..

--> pero wala ako sa mood na magkwento ng mga bagay-bagay... tulad ng mga profs.. mga bagong classmates and coursemates.. etc.. wala.. tsaka na.. pangako..

** eto na naman po ang isang text message mula sa kaibigan kong si Arian.. sipag magforward nito!! grabe.. hehehe.. ^___^

i sEnt a d0zEn aNgeLs t0 gUiDe y0u
aLL tHr0uGh0ut tHe dAy...
kC kApAg isA LaNg,
bKa Di kAyAniN nG p0wErS nyA
aNg mGa KALOKOHAN m0! gUd dAy! c",)


hahaha!! ganun?! baka nga... ^____^

Tuesday, June 14, 2005

let's do the funk.. let's do the first day funk!!

first day of classes... first day funk ika nga ng nakararami.. masaya ako na hindi.. hehehe.. tulad ng dati..

kahapon nga pala, punta kaming payatas.. sa blue eagle village.. ang ganda sana kaso ang dami pang problema.. kulang pa sa development.. tutulong ako!! tutulong kami!! ^_^

kasalukuyang nagpapalipas na naman ako ng oras sa harap ng computer ng aking paaralan.. tama.. sa rsf.. hehehe.. libre ang internet, aircon pa!! san ka pa?! hehehe.. labo..

umiral na naman ang aking katamaran... tinamad akong magrent ng computer para malaman ang aking class schedule sa araw na ito.. arrrgggh.. umasa ako ng lubusan sa aking memorya at ang buong akala ko tuloy ay alas diyes y medya pa aking unang klase.. mali.. maling-mali.. hhahahaa... nang makarating ako sa ateneo ay alas diyes pa lamang.. nakita ko ang mga dating blockmates.. (oo, sa wakas ay nakapag-shift na ako sa bagong kurso.. BFA major in Info Design.. bigat no?! ^_^) nagulat pa ako nang tanungin nila ako.. medyo alanganin kasi ako sa totoong klase ko.. hahaahah.. at ayun!!! mali nga ang sapantaha kong takdang oras.. awwww.. alas nuebe pala ang unang klase ko sa araw na ito!!! ang ang buong akala ko kasi ay lunes ngayon.. ngunit hindi!!! martes na.. ahhhh.. whahaha..

sa kalituhan ay dali-dali akong nagtungo sa departamento ng History... iyon kasi ang naaalala kong klase at alas nuebe nga ang tanda kong oras.. mabait ang sekretarya at hiyang-hiya ako nang itanong ko kung nasaan ang aking guro.. si Ms. Coo.. laking taka niya sapagkat wala raw klase si Ms. Coo ng alas nuebe gaya ng iginigiit ko.. wahahaha.. tinignan ko ang listahan.. mali... whahaha.. alas dose pa pala ang klase ko sa kanya.. mainam.. hindi pa ako liban.. pero.. nakakahiya!!! hahaha.. nag-ugat ang lahat sa aking katamaran.. salamat!!.. arrrgg..

to end this post.. i would like to share a picture or drawing na gawa ni peb sama!!
sOuth paRk!! ako yan!! diba?! ako talaga yan!! hahaha...

Wednesday, June 01, 2005

happy.. i' feeling so happy!! i'm gonna be happy... can't you see i'm happy now?! can't you see i'm happy now?! whooo.. oh.. oh..

ayun.. ang saya!! hahaha.. bakit? dahil masaya! joke..
hayy.. wala lang.. para maiba naman..

fiesta sa Flores kahapon (may 31).. masaya.. maraming tao.. meron pang moment!! ^___^
share ko lang.. nagkita kami ng isang high school classmate ko.. tapos, inaya ko siyang manood ng dance contest dahil magsasayaw ang aking kapatid... (na natalo dahil nasunog ang pantalon nung isang dancer sa sobrang lakas nung apoy na ginawa nila sa stage.. epek pa kasi.. hahaha!!) tapos, nung mga bandang eleven pm na ata.. may nagpa-page bigla!!! hahaha.. nagulat na lamang kami sapagkat pangalan nungn friend ko ung binabanggit nung emcee!!! hahaha.. apat na beses pa inulot!! laughtrip talaga!! ganito kasi pagkakasabi..

"paging, paging... may isang bata raw na nawawala.. si n*** p****.. sa backery ka raw hihintayin, from mommy.. ^_^"

nyehehehe... hehehehe... wahahahah... sorry, i can't help but laugh!!! ^________^
i love you friend!! ^_^

so ayun.. para lang masaya.. nakakasawa ang drama.. eto pa isang pahabol..
**galing ulit sa cousin/friend/textmate ko.. si mm.. thanks nga pala sa walang sawang pagtetext kahit hindi ako nagrereply dahil wala akong load..

"Life is like a road that we should pass through until its very end...
But if one day you feel you're tired walking,
I'll comfort you in my arms and say,
may jeep naman kasi, bakit nilakad mo?!"

hehehe.. kulit.. pero on a deeper meaning, sobrang totoo nya.. para sa akin.. jeep symbolizes the people that you can count on in times of troubles.. mga friends ba!! kaya salamat sa inyo mga jeep ko.. este, mga kaibigan ko!!! ^_____^..